Kinumpirma ng mga opisyal ng Tennessee na bigo silang maisagawa ang pagpapatupad ng hatol na kamatayan kay Christina Gail Pike noong Miyerkules, Setyembre 30, kaugnay ng pagpaslang na kanyang ginawa noong 1995, matapos siyang bigyan ng dalawang doses ng lethal drug.
Ayon sa kanyang mga abogado, nakita nilang nanatiling gising si Pike at malakas pang humihilik matapos ang unang pagtatangka sa pagpapatupad ng hatol na kamatayan. Kalaunan, isinugod siya sa ambulansya mula sa bilangguan.
Nakatakdang ipatupad kay Pike ang hatol na kamatayan alas-10 ng umaga noong Miyerkules, kaugnay ng krimeng kanyang ginawa noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Kung maisasagawa ang execution, siya sana ang unang babaeng papatawan ng bitay sa Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon.
Isang oras bago ang nakatakdang pagpapatupad, pansamantalang ipinahinto ang execution. Makalipas ang ilang oras, ibinasura naman ng U.S. Supreme Court ang naturang kautusan.
Ayon sa mga abogado ni Pike, dalawang doses ng pentobarbital ang ibinigay sa kanya.
Samantala, sinabi ni Robin M. Maher, executive director ng Death Penalty Information Center, na ang naranasan ni Pike ay “hindi pangkaraniwan at walang katulad.”
Alas-7:27 ng gabi nang isagawa ang pagtatangka na ipatupad ang hatol na kamatayan kay Pike sa loob ng execution chamber.
Matapos nito, nanatiling gising si Pike. Itinaas pa niya ang kanyang ulo at tinanong ang mga opisyal ng bilangguan kung ganoon ba talaga dapat ang pakiramdam ng kanyang braso. Ayon sa mga ulat, hindi malinaw kung ano ang kanyang tinutukoy.
Alas-8:26 ng gabi nang ibigay kay Pike ang ikalawang dosis ng pentobarbital.
Agad namang naghain ang kanyang mga abogado ng emergency motion sa U.S. Supreme Court nang gabing iyon, na humihiling na agad na ihinto at ipagpaliban ang pagpapatupad ng hatol na kamatayan.
Naghain din sila ng mga mosyon sa Sixth Circuit Court at sa district court.










