-- Advertisements --

Mistulang hindi big deal sa Hollywood actor na si Chris Evans ang nalikha nitong kontrobersya nitong weekend matapos kumakalat sa internet ang umano’y larawan ng kanyang ari.

Ito’y matapos matapos “magparamdam” na ito sa social media sa pamamagitan ng maiksing pahayag na paghikayat na bumoto sa US presidential elections ngayong taon.

Ang pagkaka-tweet nito sa nasabing panawagan ay mapapansing bakas na alam naman nito ang isyu, at tila bang swabe sa naging tanyag na superhero character nito bilang si Captain America.

Una rito, aksidenteng nai-post ng 39-year-old actor sa Instagram ang naturang close up picture ng kanyang ari na agad niyang binura pero mabilis na nakapag-save ang ilan sa kanyang 5.7 million followers.