-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binisita ni Chinese President Xi Jinping ang Wuhan, China na naging sentro ng coronavirus outbreak sa bansa.

Ang pagbisitang ito ay patunay umano nang ipinapakitang kumpyansa ng China sa paraan nito upang kontrolin ang pagkalat ng sakit.

Sa huling tala, mayroon ng 80,754 kumpirmadong kaso ng virus sa buong China kung saan 67,760 ang naggaling sa Hubei province. 3,136 naman ang namatay dahil sa sakit kung saan 112 ay nagmula naman sa nasabing probinsya.

Ayon sa Xinhua, state news agency ng China, nagpunta ang Chinese president sa Wuhan para magsagawa ng inspeksyon kaugnay ng epidemic prevention.

Binisita rin ni Xi ang mga medical workers, military officers, sundalo, community workers, mga otoridad, opisyal at volunteers na patuloy ang pakikipaglaban sa epidemya.