-- Advertisements --

Nais ng Chinese government na mapalakas pa ang educational cooperation nito sa Pilipinas para ma-enhance ang pang-unawa ng mga kabataang Pilipino hinggil sa China.

Ang naturang proposal ng China ay kasunod na rin ng pagpupulong sa pagitan nina Chinese Foreign Minister Wang Yi at DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte.

Sa isang statement sinabi ng Chinese Ministry of Foreign Affairs (MOFA) na sang-ayon si VP Sara sa naturang proposal at looking forward sa prospects ng kooperasyon ng dalawang bansa.

Inihayag din ng ministry na handa ang China na palakasin a ang educational cooperation nito sa Pilipinas para mapatatag pa ang pundasyon ng public support para sa pagkakaibigan ng daalwang bansa at pagbibigay ng intellectual support para sa bilateral practical cooperation.

Suportado din ng China pag-aaral ng mga Pilipino sa kanilang bansa at tutulong sila para sa pagbabalik ng mga estudyanteng Pilipino sa China.

Nakahanda rin ang China na pataasin ang engagement sa vocational education at language training at tulungan ang bansa na ma-improve ang teaching facilities gayundin ang pag-modernize sa pagtuturo.