Dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Chief Justice Alexander G. Gesmundo, kasama ang ilan pang mahistrado ng Korte Suprema (SC).
Kinumpirma ni Gesmundo na natanggap ng SC ang imbitasyon na dumalo sa SONA sa bagong ayos na plenary hall ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Aniya, hindi siya na-inform tungkol sa imbitasyon para sa mga collegiate court’ (Court of Appeals, Sandiganbayan and Court of Tax Appeals) na mga presiding justices.
Sinabi rin niya na siya at ang iba pang mga mahistrado ng SC na dadalo sa SONA ng Lunes ay “magkakaroon ng PCR (polymerase chain reaction) test at antigen test sa Lunes ng umaga para masunod ang mga kinakailangan.”
Nauna nang sinabi ng Office of the President na magsisimula ang SONA ni Pangulong Marcos bandang alas-4 ng hapon.