-- Advertisements --
Kinumpirma ng beteranang actress na si Cherry Pie Picache na hiwalay na sila ni Edu Manzano.
Hindi na nagbigay pa ang actress ng detalye sa nasabing hiwalayan nila ng actor.
Paglilinaw naman nito na nananatili pa rin ang kaniyang pagkakaibigan.
Kahit na nagkaroon ng hindi matagumpay sa ‘lovelife’ ay hindi pa rin isinasara ng actress ang pintuan sa bagong pag-ibig.
Ang dalawa ay nagkaroon na ng relasyon noong kabataan pa nila at nitong Nobyembre 2021 ng muli nilang binuhay ang kanilang pagtitinginan.
Umugong ang hiwalayan ng dalawa matapos na hindi na nakita ang dalawa na magkasama sa personal man o sa social media.