-- Advertisements --
BOSTON CELTICS

Pasok na sa Eastern Conference finals ang Boston Celtics matapos masilat nila ang defending champion na Toronto Raptors sa Game 7 sa score na 92-87.

Dahil dito haharapin ng 3rd-seeded na Celtics ang nag-aantay na 5th seeded na Miami Heat kung saan magsisimula ang Game 1 sa Martes.

Masaklap ang nangyari sa Raptors dahil target sanang maging ikapitong prangkisa sa NBA history na bumangon at makuha ang Game 7 gamit ang apat na sunod na panalo.

Gayunman hindi sila umubra sa pinagsamang all-around games nina Jaylen Brown na may 21 puntos, Marcus Smart na nagtala ng 16 at si Kemba Walker na nag-ambag ng 14 na puntos.

Para naman sa Toronto nanguna si Fred VanVleet na umiskor ng 20 puntos, nagpakita naman ng 16 si Kyle Lowry, habang may 14 si Serge Ibaka.

Toronto Raptors
Toronto Raptors

Kung ipapaalala ilang mga analyst na rin ang nagdududa sa kakayahan ng Raptors sa pagkakataong ito na umusad ng husto lalo na at nabawasan sila ng main man na si Kawhi Leonard na napunta sa Clippers.

Ang Raptors ay nakatakda namang lumayas na sa loob ng NBA bubble sa World Disney sa Florida bukas ng araw ng Linggo.