Kumpiyansa pa rin ang Boston Celtics na kaya nilang talunin bukas ang Golden State Warriors para maitabla ang serye at ma-extend hanggang Game 7 ang NBA Finals.
Ayon kay Boston All-Star Jason Tatum dumaan na sila sa mahihirap na sitwasyon, kaya hindi na rin daw bago na nasa alanganin silang sitwasyon kung saan isang panalo na lamang ang kailangan ng karibal na Warriors.
Inihalimbawa naman ni Tatum ang naranasan nila sa Eastern Conference sa kamay ng defending champion na Milwaukee Bucks at ang serye nila sa Miami Heat na umabot sa Game 6.
Maging ang coach ng Boston na si Ime Udoka ay kampante na kaya nilang bumangon sa laban sa bukas.
Kabilang aniya sa gagawin nilang diskarte ay hindi lamang ang matinding depensa na ilalatag kay Stephen Curry, kundi maging maayos ang kanilang opensa at malimitahan ang kanilang mga turnovers.