-- Advertisements --
Sa unang pagkakataon matapos ang halos apat na taon ay nagpakita sa publiko ang singer na si Celine Dion.
Mula kasi noong ito ay na-diagnosed ng kakaibang autoimmune neurological disorder ay hindi na ito aktibo sa publiko.
Huling nakita ito sa publiko ay noong concert niya sa New Jersey noong Marso 2020 bago ang COVID-19 pandemic.
Sa social media account nito ay makikita ang pagdalo niya sa isang ice hockey game sa pagitan ng kaniyang home town na Montreal Canadiens at Vegas Golden Knights sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Kasama niya sa nasabing larawan ang tatlong anak na lalaki at nagpakuha ito ng larawan sa locker rooms kasama ang ilang mga manlalaro at coach.