-- Advertisements --

Dumaranas ngayon ng kakaibang sakit ang singer na si Celine Dion.

Ayon sa kaniyang kapatid na hindi na nito makontrol ang kaniyang muscles.

Bahagi aniya ito ng dinaranas niyang kakaibang neurological disorder na tinatawag na stiff-person syndrome.

Ikinakabahala ng kapatid nito na si Claudette na baka darating ang panahon na tuluyang hindi na makontrol ng Canadian singer ang buong katawan nito gaya ng kaniyang boses at puso.

Dagdag pa nito na sabik na magtanghal ang singer subalit dahil sa kaniyang kondisyon ay hindi nito magawa.

Magugunitang noong Disyembre 2022 ng ibnunyag ng singer ang kaniyang kalagayan kung saan unang iniurong ang kaniyang natitirang concerts noong Mayo 2023.

Naging malala ang kaniyang sakit kaya nagdesisyon itong tuluyan ng kanselahin ang natitirang petsa ng kaniyang concerts.