-- Advertisements --

Cebuano triathletes, ibinahagi ang karanasan sa 31st SEA Games; tuloy pa rin ang training pagbalik ng Pinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang Cebuano triathletes na sina Andrew Kim Remolino at Raven Faith Alcoseba matapos sumabak sa 31st Southeast Asian Games sa bansang Vietnam.

Si Remolino ay nag uwi ng silver medal sa triathlon habang bronze medal naman kay Alcoseba.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu sa dalawa, masaya pa umano at madaming natutunang leksyon sa kompetisyon lalong lalo na sa parte ni Alcoseba na isang first timer.

Hindi rin umano inaasahan ng dalawa na makasungkit ng medalya lalo na’t madaming magagaling na sumali sa kompetisyon mula sa ibang bansa.

Ganunpaman, ipinapakita pa rin nila ang kanilang kakayahan.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin sa ngayon ang training ng dalawa.

Inaasahan namang sumali sa Asian Cup ngayong taon si Remolino matapos na postpone ang Asian Games na gaganapin sana sa China ngayong Setyembre habang si Alcoseba naman ay plano munang sumali sa mga lokal na kompetisyon at parehong maghahanda para sa SEA Games sa susunod na taon na gaganapin sa bansang Cambodia.