-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pagbati kasunod ng pagkapanalo ng Cebuano dance group Don JuanXAngel Fire sa grand showdown ng Top 15 finalist ng Wonju Dynamic Dancing Carnival sa bansang South Korea.

Maliban sa team, pang-apat na pwesto naman ang Joyful tribe ng Toledo City.

Sa social media post ng Don Juan, nagpasalamat pa ito sa mga tagasuporta maging ang mga tao sa Wonju.

Matandaan na sa nakaraang taon na online kompetisyon ng nasabing prestihiyosong festival ay itinanghal na grand champion ang Toledo City sa kanilang Hinulawan festival.

Sa naging eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu Kay Anna Michelle Buot, team leader Ng Don Juan, ibinahagi nito na ito ang kauna-unahang sumali sila sa kompetisyon dahil aniya nagtanghal lang bilang guest performer ang kanilang grupo sa loob ng tatlong tao mula 2015 Hanggang 2017.