-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa 13 local at top boxing champion na kinabibilangan ni Carlo Paalam ang mangunguna bilang contingent ng Cagayan de Boxing Team para sa pagsisimula ng South East Asian (SEA) Games mamayang gabi.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay CdeO Boxing Coach Elmar Pamisa, inihayag nitong 100% nang handa ang boxing team ng Pilipinas lalo na ang pambato nitong lungsod.
Kung matatandaan, nasungkit ni Paalam ang 2017 SEA Games bronze medal, at nakatakdang isalang sa light flyweight division.
Sinabi ni Coach Pamisa na isa sa kanilang pinaghahandaang makalaban ay ang team Thailand.
Magaganap ang unang laban ng Cagay-anon boxer sa Philippine International Convention Center sa darating na Disyembre 4 at hanggang sa Disyembre 9.