Kinilala na rin ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Amerika na ang coronavirus ay maari ring makahawa sa pamamagitan ng aerosols o kaya sa airborne.
Sa kanilang updated advisory, binigyang din ng CDC na hindi lamang makukuha ang COVID-19 sa mga mahahawakang bagay at maidadampi ang kamay sa bibig, mata at ilong kundi doon din sa masisinghot na mga respiratory droplets.
Ang airborne virus ay maaring ma-inhale kahit mahigit sa anim na talampakan ang layo mula sa infected individual.
Ang pagbabago ng posisyon ng CDC ay taliwas sa nauna nilang paniniwala na ang mga infections ay nangyayari sa close contact o droplets at hindi sa airborne transmission.
Samantala dahil sa findings ng CDC, nanawagan ang ilang mga eksperto sa mga gobyerno na mag-isyu ng mga bagong standards bilang babala sa mga employers o kompaniya na magpatupad din mga dagdag na hakbang upang mailayo ang mga mga kawani sa posibleng panganib lalo na sa loob ng mga opisina na walang sapat na ventilation.
“COVID-19 spreads when an infected person breathes out droplets and very small particles that contain the virus. These droplets and particles can be breathed in by other people or land on their eyes, noses, or mouth,” bahagi ng medical advisory ng CDC. “In some circumstances, they may contaminate surfaces they touch. People who are closer than 6 feet from the infected person are most likely to get infected.”