-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nasa mga kamay na ng Special Investigation Team na binuo ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ang cartographic sketch ng mga persons of interest sa pagpaslang sa pamangkin ng close in security ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ang biktima ay si Claire Diergos ng Pavia, Iloilo, na natagpuan na tadtad ng saksak sa loob ng isang sasakyan sa Sta. Barbara, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Senior Master Sergeant Francisco Lindero, Jr., spokesperson ng IPPO, sinabi nito na patuloy ang paghahanap ng mga otoridad ng larawan na siyang ico-crossmatch sa resulta ng sketches.

Nilinaw naman ni Lindero na hindi pa maituturing suspek ang mga nasa sketch, ngunit kanilang tinututukan dahil sa kaduda-dugang galaw ng mga ito.