Nakatuon ngayon si double Olympic gold medalist Carlos Yulo sa isang event ng 33rd Southeast Asian Games.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na dahil sa nagkaroon ng paghihigpit ang organizer ay idedepensa na lamang nito ang parralel bars title kung saan ito ay nagkampeon noong 2023 SEA Games sa Cambodia.
Subalit kailangan pang mag-evaluate ang mga coaches kung anong event ang sasalihan niya.
Tinaggal kasi ng SEA Games organizers ang men’s and women’s individual all-around at team events.
Dahil ay papayagan na lamang ang gymnast ng sumali sa tatlong qualifications pero kailangan na mamili ng isa kung makapasa ito sa multiple finals.
Gaganapin ang SEA Games mula Disyembre 0 hanggang 20 sa Bangkok, Thailand.