-- Advertisements --
OFWs1

Lumalabas sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na ang Canada ang nangunguna sa listahan ng mga bansa na nais ng mga Pilipinong makapagtrabaho.

Ang ibang top destinations ay ang Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, Japan, Qatar at Amerika.

Ayon din sa SWS survey, nasa pitong porsyento ng mga Filipino adult ang nagsabing nais nilang magtrabaho abroad.

Nasa halos 2 mula sa 10 adult Filipinos naman o 175 ang nais na manirahan sa ibang bansa.

Ang SWS survey ay mayroong sampling error margin na ±2.8 %.