Target g national government na magdaos kada buwan ng “Bayanihan, Bakunahan” drives sa ilang ispesipikong lugar para mapalakas ang vaccination rate ng bansa, ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC).
Ayon kay NVOC chairperson Myrna Cabotaje, pinag-aarlan nila sa ngayon ang posibilidad na maisagawa ang buwanang “Bayanihan, Bakunahan” drives.
Sa ngayon kasi ay nasa 2.5 million senior citizens pa rin ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Base sa datos mula sa National COVID-19 vaccination dashboard, lumalabas na nasa 5 million senior citizens ang nakatanggap na ng isang dose habang 6.2 million naman ang fully vaccinated na kontra naturang respiratory disease.
NAsa 1.5 million senior citizens naman ang naturukan na ng booster shots.
Samantala, mahigit 1.5 million indibidwal naman ang nabakunahan sa kasagsagan ng third wave ng “Bayanihan, Bakunahan” program.
Samantala, nang matanong naman hinggil sa pagluluwag ng Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1, sinabi ni Cabotaje na dapat mapataas muna sa ngayon ang vaccination rate sa mga senior citizens bago pa man ito gawin.