-- Advertisements --

Kinumpirma ng opisyal ng Dinagat Islands na natagpuan na ang nawawalang civilian aircraft na may tail number RP-C2444 na iniulat na bumagsak sa bundok ng Barangay Navarro, Tubajon.

Ayon kay Dinagat Islands Governor Nilo Demerey Jr., nakarinig ang mga residente nang isang malakas na pagsabog bandang ala-1:00 ng hapon noong Miyerkules, Abril 8, 2026.

Agad namang inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang search and rescue operations, na nagdala sa mga awtoridad sa crash site sa gabi ng parehong araw.

Nakita rin ng mga residente ang mga debris ng eroplano sa lugar, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang rescue operations para sa mga sakay ng eroplano.