Tiniyak ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na handang-handa na ang minority bloc sa pakikipag debate hinggil sa 2023 proposed national budget ngayong inakyat na ito sa plenaryo.
Bukas September 20,2022 sisimulan na ang budget debates sa plenary.
Ayon kay Cong. Daza, ang minority bloc sa Kamara ay mayruong mahigit 20 miyembro at bawat isa sa kanila ay may kaniya kaniyang assignment.
Sa panig ng mambabatas kaniyang tututukan ang isyu sa delisting ng mga 4Ps beneficiaries ng DSWD na mahigit isang milyon.
Para sa mambabatas, napakalaking bilang ang 1.3 million 4Ps beneficiaries na matanggal sa listahan ng DSWD, kaya dapat lamang ito busisiin ng mabuti.
Ang pag doble sa social pension ng mga senior citizen mula P500 magiging P1000 na ito subalit walang pondo na inilaan para dito ang DBM maging ang scholarship grant para sa mga mahihirap na mga estudyante.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni House Majority Leader at Zamboanga City Representative Mannix Dalipe, na kanilang hihimayin ang pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno.
Nuong Biyernes, natapos na ang budget deliberation sa Committee level kung saan ang Department of Public Works and Highway (DPW) ang sumalang.