
Labis-labis umano ang suporta ng Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan sa pamamitan ng lethal injection.
Sa isang panayam, sinabi ni Bantag na 1,000 percent daw ang suporta niya sa nais ng Pangulo lalo na sa mga bilanggong sangkot sa mga heinous crimes.
Aniya, napapanood, naririnig at nababasa naman daw sa mga balitang kahit matagal nang nakakulong ang mga inmate ay marami sa kanila ang hindi naman nagpakita ng pagbabago.
Marami rin umanong mga inmate na wala nang pag-asang lumaya ang hindi naman nagbabago ag nagpapakasama pa sa loob ng bilangguan at may iba pang nagpapatay ng tao.
Dagdag niya, may mga akusado rin umanong sangkot sa droga ang involve pa rin sa droga sa loob ng piitan.










