-- Advertisements --
Naglabas ang Buckingham Palace ang ilang bagong Pre-coronation photos nina King Charles at Queen Consort Camilla.
Ito ay isinapubliko ng Palasyo ilang araw bago ang itinakdang araw ng monarch coronation sa darating na Mayo 6.
Ang naturang mga larawan ay kuha ng official photographer nina Charles at Camilla Parker-Bowles sa kanilang kasal noong taong 2005, at gayundin sa kasal nina Prince William at Kate Middleton noong taong 2011.
Isa sa mga tampok na Pre-Coronation photos ng dalawa ay ang larawan na makikitang nakaupo sila sa harapan ng state portrait ni King George V na naghari United Kingdom mula noong taong 1910 hanggang 1936, siya rin ang great-grandfather ni King Charles.