-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang guest team na Macau Black Knights 110-93.

Ang Black Knights ay guest team sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 31 points at 10 rebounds habang mayroong 25 points at pitong assists si RJ Abarrientos.

Nag-ambag naman ng 13 points at anim na rebounds si si Stephen Holt habang mayroong 11 points at siyam na rebounds naman si Troy Rosario para sa Ginebra.

Mula sa umpisa lamang ng laro ay dominado ng Gin Kings ang laro kung saan hindi na pinalamang pa nila ang Black Knights.

Ikinatuwa naman ni Ginebra coach Tim Cone ang panalo nila dahil sa kahit na wala si Scottie Thompson dahil sa injury ay pinunan naman nina Brownlee at Abarrientos ang presensya niya.