-- Advertisements --
Damian Lillard
Damian Lillard

Hindi kinaya ng Denver Nuggets ang pag-ulan ng three point shots para makuha ng Portland Trail Blazers ang Game 1 sa first round ng NBA playoffs.

Umabot sa 19 na three points ang naipasok ng Blazers mula sa 40 mga pagtatangka.

Nanguna sa diskarte si Damian Lillard na may 34 points, 13 assists at apat na three pointers.

Sina Carmelo Anthony at Anfernee Simons ay meron ding tig-aapat na three pointers.

Hindi rin naman nagpahuli si CJ McCollum na may kabuuang 21 points at si Anthony ay nagpakita rin ng 18.

Ang leading MVP na si Nikola Jokic na bagamat may 34 points din, hindi naman nakatulong ng husto ang kanyang mga teammates.

Ang panira na mga assists ng superstar center ng Nuggets ay hindi gumana at nakapagtatakang isang assist lamang ang nagawa bunsod na rin siguro ng bantay-sarado na ginawa ng Blazers sa kanya.

Muling magtutuos ang dalawa sa Game 2 sa Martes.

Irving harden Durant Nets
Nets ‘big three’ Kyrie Irving, James Harden, Kevin Durant (@BrooklynNets)

Samantala sa ibang games, mistulang nangapa muna sa first half ang Big Three ng Brooklyn Nets bagong tuluyang naitumba sa second half ang Boston Celtics sa first round ng playoffs, 104-93.

Ito ang siyam na beses pa lamang na nagsama-sama sa iisang game sa Nets sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving.

Nagtapos si Harden sa 21 points, nine rebounds, eight assists at four steals, habang si Durant ay nagpakita ng 32 points at 12 rebounds sa loob ng 39 minuto at si Irving naman ay nagdagdag bf 29 points o 11-for-20 laban sa kanyang dating team.

Sa kaso ni Durant ito ang kanyang unang playoff game makalipas ang dalawang taon nang matamo niya ang matinding injury.

Para kay Irving nang makita nilang nagiging agresibo raw ang kanilang lider na si Durant, ito na rin ang senyales nang sila ay ginanahan hanggang sa hindi na binitawan ang kalamangan.

Sa panig ng Celtics medyo inalat si Jayson Tatum nang magbuslo ng 22 na meron lamang anim na pumasok mula sa 20 attempts.

Dallas Luka Doncic
Dallas star Luka Doncic

Sa kabilang dako, hindi pa rin kinaya ng Los Angeles Clippers ang all-around game ni Luka Doncic upang masungkit ng Dallas Mavericks ang Game 1 ng first-round playoff series, 113-102.

Tumipon si Doncic ng 31 points upang talunin ang NBA’s leading team sa 3-point range sa harap ng mga LA fans.

Ito ay sa kabila na pagsapit ng fourth quarter ay isang puntos na lamang ang nagawa ni Luka.

Halos naghahabol na rin lamang ang ginawa ng Clippers bunsod ng matinding opensa ng Mavs na pinagtulungan din nina Tim Hardaway Jr. na nagbuslo ng 21 points at si Dorian Finney-Smith ay meron ding 18.

Hindi rin umubra ang mga LA superstars na sina Kawhi Leonard na nagpasok ng 26 points at 10 rebounds at si Paul George na nagtapos sa 23 points. Inalat pa ang dalawa dahil sa tatlo lamang ang naipasok mula sa 14 na pagtatangka sa 3-point areas.

Para naman kina Leonard at George, gaganti raw sila sa Game 2 na gagawin muli sa Staples Center.

Khris Middleton Bucks
Khris Middleton

Samantala pa rin, naisalba naman ni Khris Middleton ang Milwaukee Bucks sa kanilang overtime win laban sa mahigpit na karibal na Miami Heat, 109-107 sa Game 1 sa NBA playoffs.

Naipasok ni Middleton ang tira sa 0.5 seconds ang nalalabi sa overtime.
Sa kabuuan nagtala siya ng 27 points.

Malaking tulong din naman ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na nagpakita ng 26 points, 18 rebounds at five assists kahit may ilang mga tira rin ang sumablay.

Naging dikitan ang harapan ng dalawang koponan mula sa simula na halos walang nakalamang ng mahigit sa apat na puntos.

Sa kampo ng Miami si Goran Dragic ay umiskor ng 25 points na siyang naging daan din upang dalhin ang team sa overtime.

Ang teammate na si Duncan Robinson ay nag-init ng husto na mula sa 24 points pito rito ay nanggaling sa 3-point range.

Aminado ang Miami na pressured ang No. 1 overall seed na Bucks na ipanalo ang Game 1 sa harap ng kanilang mga fans.

Noong nakaraang taon ay tinalo ng Heat sa serye ang Bucks sa playoffs sa Florida bubble.