-- Advertisements --

Magsasgawa ng concert sa bansa ang British singer na si Sting.

Ayon sa organizer na Live Nation Philippines, gaganapin ang concert sa Marso 17 at 18, 2023 sa isang sikat na hotel.

Kabilang ang nasabing concert ay kabilang sa “My songs” tour niya kung saan naglabas rin ito ng nasabing album sa parehas na titulo.

Naglalaman ang album ng mga pinasikat nitong kanta gaya ng “Englishman in New York”, “Fields of Gold” at maraming iba pa.

Magsisimula na silang magbenta ng tickets sa darating ng Disyembre 9.

Magugunitang una ng itinakda ang concert nito sa bansa noong Oktubre 2019 subalit nagkaroon ng kumplikasyon sa schedule nito.