-- Advertisements --

NAGA CITY – Arestado ang isang konsehal ng barangay sa Camarines Norte matapos umanong makunan ng mga iligal na eksplosibo sa bayan ng Paracale.

Kinilala ang naaresto na si Felicidad Yebra, 61, councilor ng Purok 1, Sitio Matanlang.

Batay sa ulat, nadakip ang opisyal sa bisa ng warrant of arrest.

Nakuha mula kay Yebra ang 450 pirasong emulsion explosives, 200 blasting caps, at tatlong rolled fuse na 70-metro ang haba.

Sa ngayon inaalam pa raw ng mga otoridad kung ano ang motibo ng opisyal sa pagtatago sa mga eksplosibo.

Nahaharap sa kasong illegal possesion of explosives si Yebra.