-- Advertisements --

Aminado si Maritoni Fernandez na magkakahalong emosyon pa rin ang kanyang nararamdaman sa tuwing sasailalim sa mga pagsusuri na bahagi ng kanyang check up appointments.

Pahayag ito ng 51-year-old actress kasabay ng Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre.

Ayon kay Fernandez, nakaka-proud na 20 years na siyang survivor ng breast cancer pero may mga pangamba pa rin sa tuwing tutungo sa ospital lalo’t nasa gitna ng coronavirus pandemic ang bansa.

Gayunman, pinayuhan nito ang mga hindi pa tapos sa hirap ng breast cancer na huwag kaligtaan ang mga kailangang checkup dahil lamang sa pandemya.

Mahalaga aniya na mayroong peace of mind at tiyakin lamang na naka-face mask at face shield tuwing papunta ng ospital.

Nabatid na 30-years old pa lamang siya noong ma-diagnose na may Stage 2 breast cancer kaya ito ay suwerteng naagapan pa.

https://www.instagram.com/p/CGAX0mDjz_3/

Nitong Hulyo lang nang ikasal si Maritoni sa kanyang longtime partner na si Mon Dayrit sa pamamagitan ng civil ceremony sa Parañaque City Hall.

Kapwa mayroon na silang dalawang anak sa mga nakalipas na nakarelasyon.