-- Advertisements --

“Feeling blessed” umano ang isang modelo mula Brazil kaugnay sa pinagpiyestahang pag-like diumano ni Pope Francis sa isa sa kanyang pictorial.

Brazilian model on Pope 2
Brazilian model on Pope 3

Ito ay si Natalia Garabotto, 27-anyos na isa ring social media personality sa Brazil at may mahigit 2 million followers.

Muli nitong in-upload ang kanyang larawan na may temang school girl.

Dito ay paharap ang kanyang posing habang tila nakasandal sa locker, nakasuot ng fitted o hapit na hanging white shirt, maiksing checkered skirt, stockings at bahagyang labas ang kanyang pwet.

Nabatid na misteryosong nawala, pero nakakuha ito ng screenshot ng pag-like ng official Instagram account ng Santo Papa na may mahigit 7 million followers.

Hirit pa ng Brazilian model, atleast daw ay senyales ito na sa langit siya mapupunta.

Una nang naging palaisipan sa mga netizen kung ang 83-year-old pope ba talaga ang nag-like, o ito ay aksidenteng na-click ng kanyang staff.