Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Seoul ang mga rehistradong overseas Filipino voters hinggil sa deadline na hanggang sa Abril 30 na lamang ang paghain ng kanilang Manifestation to Vote in Another Post (MIVAP) para sa mga planong bumoto sa foreign service post sa Republic of Korea.
Nauna ng inanunsiyo ng embahada na ang mga aktibo at kwalipikadong registered Overseas Voters na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Philippine Embassies o Consulates Genera; sa iba pang bansa ay maaaring payagan na bumoto sa Philippine Embassy sa Seoul o sa field voting site nito sa Daegu.
Sa isang bid na layong taasan ang overseas voting turnout, ipinasa ng Commission on Election ang “vote anywhere” resolution para payagan ang mga rehistradong botante abroad na bumoto sa anumang Philippine foreign service post.
Subalit kailangan na magsumite ng manifestation o MIVAP form kasama ang clear copy ng kanilang Philippine paasport o ibang IDs.
Maaring madownload ito mula sa kanilang official websites.