-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Muling napabilang ang Boracay sa hanay ng mga pinakamagandang isla sa buong mundo.

Pasok sa ikalawang puwesto ang Boracay sa “The Best 25 Island Beaches in the World: 2020 Readers’ Choice Awards” ng Conde Nast Traveler.

Ayon sa nasabing sikat na travel magazine, ang isla ay isang “screensaver brought to life” dahil sa puting buhangin, malinaw na tubig at mayabong na jungle backdrop.

Samantala, pasok naman sa ika-siyam na puwesto ang isa pang kilalang tourist destination sa Pilipinas na El Nido sa Palawan.

El Nido Palawan

Napag-alaman na para sa kanilang 33rd annual Reader’s Choice Awards survey, ibinahagi ng Conde Nast Traveler ang mga naggagandahang beaches mula sa Caribbean hanggang family-friendly resort sa gitna ng Indian Ocean.

Nanguna rito ang Gouverneur, St. Barts na isang isla ng Lesser Antilles sa eastern Caribbean Sea.