-- Advertisements --
BOC

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na nakumpiska nito ngayong taon ang pinakamataas na halaga ng naipong smuggled goods sa kasaysayan nito, na umaabot sa P40 billion.

Ayon kay BOC Assistant Commissioner Vincent Maronilla, ito na ang pinakamataas na halaga ng smuggled products na nasasam ng BOC.

Noong Setyembre pa lamang, sinabi ni Maronilla na nasamsam ng BOC ang P80 milyong halaga ng mga smuggled goods.

Iniugnay niya ang tagumpay ng kawanihan sa magandang pamamalakad at mahusay na gawain sa pagpapatupad ng batas ng BOC.

Dahil dito aniya, madaling natukoy ang mga bagay at lalagyan o containers na kailangang bantaya ng mga awtoridad.

Noong Hunyo, sinabi ng BOC na plano nitong buhayin ang Philippines Customs Laboratory sa layuning hadlangan ang smuggling, partikular ang mga imported na chemical products sa bansa.