-- Advertisements --
Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Surigae.
Ang nasabing sama ng panahon ay binigyan ng local name na “Bising,” bilang ikalawang bagyo para sa taong 2021.
Huli itong namataan sa layong 980 km sa silangan ng Mindanao.
May taglay na lakas ng hanging 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pakanluran sa bilis na 10 kph.










