-- Advertisements --
820 MASTER CASE NG SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT NG BIR

Hinihiling ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Kongreso na maglaan ng karagdagang budget para sa pag-iimbak ng mga ipinagbabawal na sigarilyo at mga nakumpiskang makinarya na nakuha sa anti-illicit trade operations ng ahensya.

Habang lumalakas ang kampanya ng gobyerno, ibinunyag ni BIR Deputy Commissioner Maridur V. Rosario na ang pag-iimbak ay naging isa sa mga hamon na kinakaharap ng kawanihan sa pagsugpo sa malawakang kalakalan ng ipinagbabawal na tabako.

Sinabi ni Rosario na ang BIR ay nakatuon sa pagsugpo sa mga ipinagbabawal na sigarilyo at aktibong nagsasagawa ng mga operasyon sa buong bansa upang matugunan ang nasabing usapin.

Tinantya ng mga kinauukulan na sa 2025, ang ipinagbabawal na tabako ay maaaring umabot ng hanggang 21 porsiyento ng kabuuang industriya ng sigarilyo.

Sinabi ni Rosario na ang mga negosyante ng ipinagbabawal na sigarilyo ay naging mas aktibo sa kanilang mga operasyon.

Kaya naman ang BIR ay nakatuon sa mga ganitong ilegal na gawain upang epektibong matugunan.

Nauna nang ipinahayag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang kanyang matatag na paninindigan sa pagpuksa sa ilegal na kalakalan ng tabako, na kinikilala ang masamang epekto nito sa ekonomiya.