Isang 18-anyos na lalaki ang nahaharap sa kasong murder at attempted murder matapos ang fatal sword attack sa isang high school sa Fagersta, Sweden, na ikinasawi ng isang estudyante at ikinasugat ng tatlo pa.
Biyernes, Agosto 21 ng arestuhin ang binata sa loob ng Brinell School. Binaril pa umano ito matapos manlaban.
Ayon sa Swedish prosecutors, nabaril pa umano ang suspek matapos itong manlaban.
Nabatid na nakasuot ang lalaki ng helmet at may dalang espada nang isagawa ang pag-atake.
Kinilala naman ng pulisya ang nasawi bilang 17-anyos na babae. Tatlong lalaki naman ang nasugatan, dalawa sa mga ito ang malubha ngayon ang kondisyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pag-atake.
Iniulat din na may dati nang kaso ang suspek dahil sa assault.
Sinusuri rin ng mga imbestigador ang isang TikTok account na iniuugnay sa suspek.
Bago ito maalis, nakita umano rito ang ilang video na may kaugnayan sa mga school attack at isang larawan ng espada.
Samantala, nanatiling suspendido ang naturang paaralan at bantay sarado rin ng pulisya.
Ayon sa police chief na si Tommy Alriksson, nakapagsagawa na ang mga awtoridad ng humigit-kumulang 80 interviews at planong kausapin ang halos lahat ng staff at estudyante ng paaralan na tinatayang nasa 450 katao.
Hinalughog din ng mga pulis ang dalawang address sa Fagersta na iniuugnay sa suspek.










