-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang binatilyo matapos mabaril sa nangyaring riot sa esquena de Tavera corner V. Mapa and J Camus Extension Davao City.

Batay sa imbestigasyon ng San Pedro PNp, nangyari ang inside te pasado alas 12:50 ng madaling araw kung saan nagkaroon ng komosyon ang grupo ng mga kabataang kakagaling lang sa inuman sa Lugar bar.

Kinilala ni PMaj. Benkalin Baluan ang suspek na isang Non Uniformed Police – doctor na si Marvin Rey Andrew Roflo Pepino 31 gulang at residente sa Phase 1, Block 4, Sapphire street, Hillside, Bajada, Davao City.

Dead on arrival naman sa Davao doctor hospital ang binatilyong biktima na si Amir Pulanon Mangacop 21 anyos at residente ng Phase 5 El Rio Subdivision, Bacaca, Brgy. 19-B, Davao City. Nag tamo ito ng multiple gunshots sa katawan

Batay sa naunang salaysay ng suspek na pinagtulongan siyang bugbogin ng grupo ni Amir at self defense lang umano ang kanyang nabaril niya ang biktima pagbaril sa biktima.

Narekober sa crime scene ang 6 na slug ng 9mm Gloc 43.

Desidio namang mag sampa ng kaso ang pamilya ng biktima. At nahaharap sa kasong homicide ang suspek na nakakulong na sa piitan.