-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ng isang binata matapos itong matagpuang nakabitin sa isang puno ng aratelis sa isang bakanteng lote sa Barangay Linabuan Sur, Banga, Aklan.

Patay na nang makita si Jefer Rufin, 21, estudyante at residente ng Barangay Bay-ang, Batan at pansamaantalang naninirahan sa kanyang tiyuhin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga nang makitang nakabigti sa lubid ang biktima sa puno ng aratiles.

Nabatid sa tiyuhin ng biktima na bago ang pangyayari ay nagpaalam ito at mistulang nagpahiwatig ng pagkitil ng kanyang buhay, subalit binalewala lamang nila dahil nasa impluwensiya ito ng alak.

Palaisipan din sa kanyang mga kaanak at kaibigan ang pagbigti ng binata dahil wala naman umano itong idinadaing na problema.

Sa kabila nito, kumbinsido ang pamilya na walang foul play sa pangyayari.