-- Advertisements --
Isa pang miyembro ng Congregation of Religious of The Virgin Mary (RVM Sisters) ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Ayon sa kanilang tagapagsalita, 10 na sa ngayon ang bilang ng mga madre sa naturang kombento ang namatay dahil sa COVID-19.
Noong Huwebes lang, sinabi ng kombento na siyam sa 62 madre na tinamaan ng COVID-19 ang binawian ng buhay.
Nasa 20 percent ng mga tinamaan ng sakit ang nasa critical conditon, ayon kay RVM Sister Ma. Anicia Co.
Ang huling dalawa sa 50 lay personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay nagpapagaling na sa ngayon aniya.