KORONADAL CITY – Umaabot na sa 16 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Region XII.
Batay sa huling datos na inilabas ng Department of Health-12, pinakamarami sa mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nasa Cotabato City na may anim.
Sunod dito ang tag-tatlo sa North Cotabato at South Cotabato; dalawa sa Sultan Kudarat kung saan isa rito ay binawian ng buhay ; at isa sa General Santos City.
Panibagong nadagdag sa naturang listahan ay si PH3989, isang 48-anyos na lalaki mula sa lalawigan ng North Cotabato.
Mayroon itong travel history sa Davao at ngayon ay nasa isolation facility sa nasabing lalawigan.
Ngunit ipinaliwanag ng tanggapan na nasa mabuti na itong kalagayan.
Nabatid na nasa 13 ang nasawing mga persons under investigation (PUI) habang 172 naman ang naitalang persons under monitoring.