-- Advertisements --
Umabot na sa 25 million ang bilang ng mga mag-aaral sa unang linggo ng pasukan.
Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa School Year 2023-2024 nasa 25,063,759 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.
Sa nabanggit na bilang, pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,704,053 sumunod dito ang Region III na may 2,782,609 at sa National Capital Region na may 2,610,571.
Samantala, ang Alternative Learning System o ALS naman ay nakapagtala ng 228,169.