-- Advertisements --
mga tao

Patuloy na bumababa ang bilang ng kaso ng COVID19 sa ating bansa.

Ito ay ang binigyang diin ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kahit na ang ilang ang mga ospital sa iba’t-ibang lugar ay nakakapagtala ng mga panibagong admission dahil sa nasabing virus.

Aniya, ang COVID-19 cases ay pababa ngunit may mga binabantayan umano na mga lugar na talagang umaakyat ang bilang ng kaso ng Coronavirus o COVID19.

Dagdag dito, tiniyak Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire sa publiko na ang positivity rate sa karamihan ng mga lugar ay patuloy na bumababa.

Inihayag pa ni Vergeire na ang rate pagbabakuna para sa COVID-19 ay tumaas mula sa 23 porsiyento noong 2022 hanggang 27 porsyento ngayong taon.

Kaugnay niyan, ang mga tao ngayon kasi ay talagang bumabalik sa normal, kaya’t patuloy parin silang hinihikayat ng Kagawaran ng Kalusugan na magpabakuna.

Una na rito, ang pinakahuling ulat ng Department of Health, ay nagpapakita na ang bansa ay mayroon na ngayong mahigit 73.7 million na mga indibidwal na nabakunahan na.