-- Advertisements --
Asahan ang panibagong bawas presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy, maaaring maglaro ng P2.40 hanggang P2.70 sa kada litro ang ibabawas sa diesel.
P1.65 hanggang P1.85 ang inaasahan namang ibabawas sa kada litro ng kerosene.
Maaari namang maglalaro sa P0.60 hanggang P0.80 sa ang ibabawas sa kada litrong presyo ng gasolina.
Sa araw naman ng Lunes malalaman kung magkano ang bawas presyo ng mga produktong langis na kadalasan ay ipinapatupad tuwing araw ng Martes.