-- Advertisements --

Magpapatupad ng malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito na ang ikatlong sunod na oil price hike na una ng inilarawan ng Department of Enegy na pinakamalaking pagtaas sa presyo ng mga petrolyo ngayong 2024.

Ang presyo ng gasoline ay inaasahang may pinakamataas na umento na P2.50 hanggang P2.80 kada litro.

Sa presyo naman ng diesel, inaasahang may pagtaas na P1 hanggang P1.30 kada litro.

Sa kerosene naman ay inaasahang magkakaroon ng bahagyang pagtaas na P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Iniuugnay ang pagsipa sa presyo ng mga petrolyo dahil sa pagbaba ng stock na krudo ng US sa gitna ng mataas na demand at paglalabas ng stimulus package ng Chinese central bank para sa economic recovery na may kaugnayan din sa demand.