-- Advertisements --

Nanindigan si US President Joe Biden na ang mga nagaganap na pro-Palestinian protest sa mga uniberisad ay hindi magbabago sa suporta nito sa Israel.

Sinabi nito na dapat managot sa batas ang mga nagaganap na protest riot sa mga colleges.

Paglilinaw niya na tanging ang mga peaceful protest ay protektado ng gobyerno.

Reaksyon ito ng US President sa malawakang pro-Palestine protest sa mga unibersidad sa US kung saan ilang daang mga estudyante na ang kanilang mga naaresto.