ILOILO CITY – Walang pagsidlan sa pasasalamat ang Bureau of Fire Protection (BFP) Region VI matapos nakaligtas ang kanilang kasamahan na nawala sa kalagitnaan ng pagsasagawa nito ng rescue operations sa Ajuy, Iloilo.
Ang nasabing BFP personnel ay si FO1 Nick Steven Cañete, residente ng Negros Occidental ngunit na-assign sa Ajuy fire station.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay BFP Region VI director Fire Chief Superintendent Jerry Candido, sinabi nito na pasado alas-9:00 kagabi, nakatanggap ng tawag sina Cañete na may pamilyang na-trap sa isang bahay dahil sa matinding pagbaha dala ng Bagyong Agaton.
Ayon kay Candido, hindi na hinintay nina Cañete ang Special Rescue Force at sila na mismo ang nagsagawa ng rescue operation.
Nabatid na 500 metro ang distansya ng bahay mula sa highway kaya lumusong sina Canete sa baha at doon na umano nangyari ang insidente.
At dahil sa malakas pa ang agos ng tubig, pinaniniwalaang naanod si Caِnete at halos tatlong oras na nawala.
Sa huli, nakita ito ng rescue team sa isang puno na naghihintay ng rescue.
Sinabi rin nito sa regional director na ginamit nito ang naging training sa BFP upang makaligtas mula sa pagkalunod.