-- Advertisements --

Nagtala ng record ang singer na si Beyonce sa Grammy’s award.

Umabot kasi sa kabuuang 32 ang kaniyang Grammy awards na nakuha.

Nahigitan nito ang namayapang classical conductor na si Georg Solti na mayroong kabuuang 31 awards.

Pinasalamatan nito ang kaniyang pamilya at mga fans dahi sa makasaysayang award na kaniyang natanggap.

-- Advertisement --

Sa katatapos na 65th Grammy awards ay mayroong kabuuang siyam itong nominations.

Sa nasabing nominasyon ay nakuha nito ang apat na awards na kinabibilangan ng Best Dance/ Electric Music Album sa kaniyang album na “Renaissance”.