-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Beyonce ang muling pagsasagawa niya ng mga concert tour.
Sa social media post nito ay kinumpirma niya ang pagsasagawa ng “Renaissance World Tour”.
Magsisimula ang concert sa Mayo na gaganapin sa Friends Arena sa Stockholm, Sweden at ilang parte sa Europa.
Magbabalik ito sa Philadelphia sa Hulyo at magtatapos ang concert nito sa Caesars Superdome sa New Orleans sa buwan ng Setyembre.
Huling nagsagawa ng worldwide tour ang singer noong 2018 na “On the Run” na kasama ang asawa nitong si rapper na si Jay-Z na mayroogn kabuuang 48 na lugar sa North America at Europe.