-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer na si Beyonce ang tagumpay niya sa Brit Awards 2023.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan hawak ang trophy ng Brit Awards.

Naiuwi nito ang Best International Artist at International Song of the Year para sa kantang “Break My Soul”.

Magugunitang sa katatapos rin na Grammys 2023 ay nagwagi rin ng apat na awards ang pop icon kung saan nakuha nito ang Best R&B song para sa kantang “Cuff It” at Best Dance/ Electronic album ng “Renaissance”.