-- Advertisements --

Tatlong taon matapos mauwi sa hiwalayan ang long time relationship kay Neil Arce, isinapubliko na ni Bela Padilla ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

Mismong ang 29-year-old actress ang nag-post sa sweet pictures nila ng nagngangalang Norman Ben Bay na kanya aniyang nakilala habang nasa taping ng kanyang 2018 film na “Meet Me In St. Gallen.”

https://www.instagram.com/p/CF_ogmDnLNL/

Kuha ang mga larawan sa kanilang bakasyon sa Turkey.

Isa naman sa mga nagkomento ang kanyang foreigner boyfriend sa pagbati rito ng “HI LOVE, MAHAL KITA.”

January 2017 nang maghiwalay si Padilla at TV producer na si Arce kung saan inamin ng aktres na mas pinili niyang unahin ang kanyang trabaho kaya tila napabayaan ang love life.

Sa ngayon naman ay engaged na si Arce kay Angel Locsin kung saan target nilang magpakasal sa susunod na taon.