Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng aktres na si Bea Alonzo na tila pahaging sa umano’y hiwalayan nila ng nobyong si Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang itim na larawan at makahulugang caption na nagsabing: “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice… ENOUGH.”

Bagamat hindi binanggit ng aktres kung para kanino ang post, nag-mitsa naman ito ng kabi-kabilang teorya mula sa mga netizens.

Bukod kasi sa post, naglabas din ng mensahe si Bea sa kanyang Instagram story at nagsabing: “Something I learned about people… If they do it once, they’ll do it again.”

Bea Alonzo 1

Nabatid din ng netizens na dinelete ng aktres ang mga larawan nila ng nobyo sa account.

Agad namang lumutang ang pangalan ng kapwa aktres nito na si Julia Barretto sa eksena matapos may makakitang kasama nito si Gerald sa birthday ng kaibigang si Rayver Cruz.

Julia Gerald

Nakita rin ang pag-like ng dating nobyo ni Julia na si Joshua Garcia sa nasabing post ni Bea.

Joshua IG reaction

Kamakailan nang magtambal sina Barretto at Anderson sa pelikulang “Between Maybes” na shinoot sa Japan.

Ilang buwan namanm matapos nito ay inanunsyo ng young actress ang paghihiwalay nila ni Garcia.

Kung maaalala, minsan ng naghiwalay sina Alonzo at Anderson noong 2010, pero nagkabalikan din taong 2016 matapos bumida sa pelikulang “How to be Yours?”

Ilan sa mga kilalang naging nobya ni Gerald noon ang sina Sarah Geronimo, at magkaibigang sina Kim Chiu at Maja Salvador.