-- Advertisements --
Usap-usapan ngayon ang espekulasyon na hiwalay na umano ang mag-fiance na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ilang netizens kasi ang nakapansin online na hindi na suot-suot ni Bea ang kanyang engagement ring.
July 2023 nang ma-engage ang dalawa at may planong magpakasal ngayong taon. Subalit ayon sa huling panayam kay Bea, wala pa silang napagpa-planuhan ni Dominic sa kanilang kasal dahil sobrang busy umano ng kanilang schedules.
Baka nga raw hindi nila ma-celebrate nang magkasama ang Valentine’s Day dahil mayroon daw siyang taping para sa kanyang nalalapit na proyekto.
Wala pang kumpirmasyon sa dalawa kung totoong hiwalay na sila o hindi.